Tinupad nga: Syrian vlogger, pinakyaw ang tindang bigas ng 71-anyos na magsasaka

Tinupad nga: Syrian vlogger, pinakyaw ang tindang bigas ng 71-anyos na magsasaka

- Tinotoo nga ng Syrian vlogger na si Basel Manadil ang pamamakyaw niya ng bigas para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

- Una na siyang namakyaw ng mga trapal at kumot na ipamamahagi niya sa mga taga-Davao at North Cotabato

- Marami ang bumibilib at nai-inspire sa ginagawa na ito ng foreigner dahil kahit hindi siya Pilipino, may pagmamalasakit par in siya at pagmamahal sa mga Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinupad ng Syrian vlogger na si Basel Manadil ang pamamakyaw niya ng bigas na kanyang ipamimigay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao noong Oktubre.

Sa kanya mismong Facebook page na The Hungry Syrian Wanderer, binahagi niya ang kanyang naging karanasan sa paghahanap ng bigas.

Nagmaneho siya ng nasa tatlong oras at nakarating sa Floridablanca Pampanga.

Doon nakita niya ang isang 71-anyos na magsasakang nagtitinda rin ng kanyang aning bigas.

Di nagdalawang isip ang vlogger na bilhan ang matanda dahil bukod sa mura, alam niyang napakalaiking tulong ang kanyang magagawa kung bibilhin niya ito lahat.

Pinakyaw na niya ang mga panindang bigas ng magsasaka na nakabilad pa sa arawan sa paglalako.

Bakas sa mga larawan ang kasiyahan ng magsasaka dahil sa malaking bagay na nabili na lahat ang kanyang paninda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagpakita rin ng respeto at pagkabilib si Basel na tinawag pa niyang mga bayani ang mga magsasakang tulad ng kanyang nakilala.

Kung di dahil daw sa sipag ng mga ito, wala tayng kinakaing bigas.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, naiulat din ng KAMI na namakyaw ang vlooger na ito ng mga trapal at kumot na kanyang ibabahagi rin sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kilala si Basel sa pagiging matulungin na vlogger na puro good vibes ang pinakikitang laman ng kanyang vlogs.

Siya rin ang nag-viral na vlogger na nagbigay ng bahay sa kanyang katiwala sa bahay at negosyo.

Tunay na may pusong Pinoy si Basel dahil sa pagmamalasakit niya sa bansa kahit pa iba ang kanyang nasyunalidad.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel