JJ, Gretchen, Claudine, Inday Barretto at Tonyboy Cojuangco, dumalo sa kaarawan ng ina ni Atong Ang

JJ, Gretchen, Claudine, Inday Barretto at Tonyboy Cojuangco, dumalo sa kaarawan ng ina ni Atong Ang

- Magkakasamang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng ina ni Atong Ang ang magkakapatid na JJ, Gretchen at Claudine Barretto

- Kasama din nila ang ina nilang si Inday Barretto at ang partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco

- Ibinahagi nina Jj, Gretchen at Claudine sa social media ang mga litrato nilang magkakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkakasama ang magkakapatid na JJ, Gretchen at Claudine Barretto na dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng ina ni Atong Ang. Makikita din sa ibinahaging mga litrato nina Claudine, Gretchen at JJ na kasama din nila ang kanilang inang si Inday Barretto at ang partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuanco.

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng litrato nina Gretchen at Atong na magkahawak kamay habang natulog sa eroplano. Gayunpaman, dipensa ni Gretchen, walang masama sa litratong iyon dahil malapit lang talaga sila ng negosyante.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod ng pag-ingay ng bali-balitang may relasyon sila, ibinahagi ni Gretchen ang mga litratong magkakasama silang tatlo ng kanyang current partner na si Tonyboy Cojuanco at ni Atong na tila nagpapahiwatig na ayos ang kanilang samahan sa gitna ng mga kontrobersiya.

Si Jj ang ama ng napabalitang pamangkin ni Gretchen na nakasama sa gulo sa lamay ng kanilang yumaong ama. Marami ang natuwa na pagkatapos ng lahat ng gulong nagganap ay tila, unti -unting nabubuo na ang kanilang pamilya.

Hiling ng mga netizens ay magkabati-bati na silang lahat.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

POPULAR: Read more about Claudine Barretto here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as a society. Following the Mindanao earthquake, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel