OFW, nanindigang walang kabit pero di na raw talaga siya makakabalik kay mister

OFW, nanindigang walang kabit pero di na raw talaga siya makakabalik kay mister

-Hindi na raw makakabalik pa ang OFW na si Rizalyn sa kanyang mister at nais na lamang daw na makuha ang kanilang mga anak

-Marami naman ang naniniwala, kabilang na si idol Raffy, na posibleng mayroon nang ibang lalaki si misis

-Ngunit iginiit ni misis na wala siyang iba at pinanindigang 'di makikipagbalikan pa kay mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng pagmamakaawa ng kanyang kinakasama, nanindigan ang OFW na si Rizalyn Manuel na tuluyan nang makipaghiwalay dito.

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ni Manuel ang problema sa programa ni Raffy Tulfo at humingi ng tulong na makuha ang kanilang mga anak.

Anito, tinabangan siya sa mister na si Renante Deacosta nang madiskubre na kasal pa pala ito sa dating asawa.

Ngunit sabi ni Deacosta, matagal nang mayroong ibang pamilya ang dating asawa at wala naman itong planong manggulo.

Kaya naman marami ang duda, kabilang na si Raffy Tulfo, sa totoong dahilan ni Manuel sa pakikipaghiwalay sa kinakasama.

Napag-alaman pa na itinago raw nito ang pag-uwi sa Pilipinas kahit pa nga hinihintay siya ng mga ito.

Ngunit nanindigan si Manuel na wala siyang ibang lalaki at inaming wala na siyang nararamdaman pa para sa kinakasama.

Sa kabila ng mga pagmamakaawa at pagtanggap ni Deacosta, sinabi ni Manuel na hindi na raw siya makakabalik sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel