Indiano na niloko umano ng misis, emosyonal na naglabas ng saloobin

Indiano na niloko umano ng misis, emosyonal na naglabas ng saloobin

- Hindi napigilang maging emosyonal ng Indianong dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Ito ay matapos nilang magharap ng kanyang misis na nagloko diumano

- Ayon sa kanyang misis, mabaho raw ang kili-kili at hininga ng kanyang asawa kaya niya ito iniwan

- Ibinunyag din ng Indiano ang mga naging sakripisyo niya para sa pagmamahal niya sa kanyang asawa

Hindi napigilang maiyak ng Indiano na nagreklamo sa kanyang asawa na diumano'y nangangaliwa. Inireklamo niya ang kanyang Pinay na asawang si Jocelyn D' Costa. Kabilang sa ipinakitang ebidensiya ng Indianong si Roscoe D' Costa ay ang mga litrato ng kanyang misis na kasama ang kaibigan niyang lalaki.

Buwelta pa ni misis, mabaho daw ang kili-kili at hininga ni Roscoe kaya niya ito iniwan. Gayunpaman, ayon sa Indiano, naliligo naman daw siya.

Isa pa sa binabatong akusasyon ni Jocelyn sa kanyang asawa ay ang pananakit diumano nito.

Sinakripisyo niya ang magandang trabaho niya sa ibang bansa para kay Jocelyn. Dahil sa senseridad na nakita ni Mr. Tulfo sa Indiano, pinayuhan niya si Jocelyn na kausapin at makipag-ayos sa kanyang mister kung ayaw niyang makasuhan.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel