Inireklamong misis ng Indiano, ibinahagi ang naging dahilan ng kaniyang panlalamig sa asawa

Inireklamong misis ng Indiano, ibinahagi ang naging dahilan ng kaniyang panlalamig sa asawa

- Humarap kay Raffy Tulfo ang inirereklamong misis ng isang Indiano

- Ito ay matapos dumulog ng Indianong si Roscoe D' Costa sa programa ni Mr. Tulfo

- Inireklamo niya ang kanyang misis na diumano'y sinungaling at salawahan

- Inisa-isa naman ng kanyang misis ang diumano'y dahilan kung bakit nawalan siya ng gana sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ireklamo ng isang Indiano na nakilalang si Roscoe D' Costa ang kanyang asawang Pinay, minabuti ng kanyang misis na sagutin ang reklamo at ihayag ang kanyang saloobin.

Ayon kay Jocelyn D'Costa, ilan lamang sa dahilan kung bakit nawala ang kanyang pagmamahal sa asawa ay nanakit di umano ito, tinitipid ang anak nila sa pagpapagamot at tinitipid din daw sila sa pagkain.

Gayunpaman, nang hingan siya ng ebidensiya ni Mr. Tulfo, wala itong maipakita. Ipinakita ng Indiano ang ilang mga litrato ng kanyang misis kasama ang kalaguyo di umano nito.

Isa sa mga litrato ay makikitang nakahiga si Jocelyn at ang lalaki. Paliwanag naman ni Jocelyn, malapit na kaibigan niya lamang ang lalaki.

Panuorin ang video dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, tila hindi kumbinsido ang mga netizens sa mga sinabi ni Jocelyn lalo at marami sa kanyang kuwento ay hindi tumutugma.

Gayunpaman, lagi nating tatandaan na ang panghuhusga sa kapwa ay hindi makakatulong. Hangad namin na maayos ng mag-asawa ang kanilang pagsasama lalo at may isang musmos na maaring maapektuhan sa pagkasira ng kanilang relasyon.

Nakilala ang programa ni Raffy Tulfo bilang takbuhan ng mga taong nangangailangan ng tulong. Kaya naman, araw-araw ay pinipilahan ang kanilang action center.

POPULAR: Read more viral stories here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as a society. Following the Mindanao earthquakes, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel