Kisses Delavin, kumalas na sa Star Magic

Kisses Delavin, kumalas na sa Star Magic

- Marami ang nagulat sa balitang lumipat na ng management si Kisses Delavin

- Pumirma na siya ng kontrata sa Triple A na pinamumunuan nina Direk Mike Tuviera at Rams David

- Ilan sa mga kilalang artists na hawak ng Triple A ay sina Marian Rivera at Maine Mendoza

- Pagdating naman sa kontrata sa network, freelancer ang aktres kaya maari pa rin siyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang kumalas si Kisses Delavin sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Siya ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng Triple A o All Access To Artists, Inc. na pinamumunuan nina Direk Mike Tuviera at Rams David.

Ilan lang sina Marian Rivera at Maine Mendoza sa mga artistang hawak ng Triple A.

Ayon naman sa isang ulat ng Abante, nakapagdesisyon ang aktres na gusto niyang magpa-manage sa Triple A nang minsan ay makasama niya sa isang event si Marian Rivera. Nakita niya raw kung paano alagaan nina Rams si Marian.

Ayon sa ulat ng Remate, freelancer naman si Kisses pagdating sa kontrata sa network kaya maari pa rin siyang gumawa ng pelikula na produced ng Star Cinema.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Kisses ang kanyang bagong management sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Samantala, sa naunang ulat, binigyang linaw ni Kisses ang balitang iiwan na niya ang showbiz.

Si Kisses Delavin ay isang Filipino actress, recording artist, beauty queen ay product endorser. Nakilala siya bilang isa sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7 edition kung saan tinanghal siya bilang Second Big Placer.

POPULAR: Read more about Kisses Delavin here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as a society. Following Mindanao earthquake, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel