Matteo Guidicelli, ibinahagi ang litrato na may autograph ni Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang litrato na may autograph ni Sarah Geronimo

- Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang litrato niya kasama ang kanyang fiancée na si Sarah Geronimo

- Kuha ang litrato noong pumila si Matteo kasama ang mga fans sa isang meet and greet event ng Popstar

- Makikita sa nasabing litrato ang autograph ng singer noong mga panahong crush pa lamang ni Matteo si Sarah

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang litrato nila ng kanyang kasintahang si Sarah Geronimo sa kanyang Instagram stories. May autograph pa ni Sarah ang nasabing litrato. Ibinahagi ito ni Matteo isang araw matapos nilang ipaalam ang kanilang engagement.

Marami ang natuwa para sa magkasintahan. Pati ang kanilang mga kapwa artista ay inihayag ang kanilang kaligayahan para sa dalawa.

Matatandaang ibinahagi ni Matteo kung paano sila nagkakilala ni Sarah. Ayon sa aktor, matagal na niyang crush ang singer. Kaya naman, nang magkahiwalay sila ni Maja Salvador noong 2012, gumawa siya ng paraan para makilala ang ng personal si Sarah.

Tinawagan niya diumano ang kaibigang si Billy Crawford para ipakilala siya sa kanyang crush. Sinadya pa niyang puntahan ang isang meet and greet event ni Sarah kung saan pumila siya kasama ang ibang fans para makapagpa-picture kay Sarah.

Naging magkasintahan sila noong 2013 pero hindi nila agad ipinaalam sa publiko ang kanilang relasyon.

Inamin naman ng Popstar ang kanilang relasyon sa noong 2014.

Sa naunang ulat, kinumpirma ng kapatid ni Matteo na isang taon nang engaged ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Matteo Guidicelli ay isang Filipino-Italian actor, model, karting driver, triathlete at singer. Una siyang nakilala sa showbiz nang mapabilang siya sa 4th season ng teenage comedy sitcom na Go Kada Go noong 2007. Ilan sa mga teleseryeng kanyang kinabilangan ay Kung Fu Kids, Ligaw na Bulaklak, Agua Bendita at Bagani.

POPULAR: Read more about Sarah and Matteo here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as the society. Following Mindanao earthquke, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel