Magkasintahang may edad na 93 at 51, emosyonal sa kanilang pag-iisang dibdib

Magkasintahang may edad na 93 at 51, emosyonal sa kanilang pag-iisang dibdib

- Ikinasal pa rin ang 93 anyos na lalaki at 51 anyos na babae na 11 taon nang magkasintahan

- Ikinumpisal ng lolo ang pagsasama nila ng kanyang kasintahan na wala pang basbas ng simbahan

- Ito ang naging daan upang sila ay makasal at gawing tama sa mata ng Diyos ang kanilang pagsasama

-Emosyonal ang dalawa nang makarating sa altar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang mga larawan ng magkasintahang may edad na 93 at 51.

Ayon sa The Freeman, nalaman ng simbahan ang relasyon ng dalawa nang ikumpisal ng 93-anyos na si Alfonso Flores ang pagsasama nila sa iisang bubong ng kanyang 51 anyos na kasintahang si Elena Besabella kahit wala pang basbas ng simbahan.

Ito ang naging daan upang sila ay maikasal sa tulong na rin ng kanilang simbahan.

Ibinahagi rin ng The Philippine Star ang mga larawang kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo sa kasalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita kasi rito ang pagmamahalan ng dalawa na tumagal na ng mahigit 11 taon.

Noong Nobyembre 5, ginanap ang kanilang emosyonal na pag-iisang dibdib sa pamumuno ni Rev. Fr. Michael Hisoler.

Patunay lamang daw na walang pinipiling panahon o edad ang mga taong tunay na nag-iibigan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel