Pagyanig muli! Ilang parte ng Visayas, niyanig ng 5.1 na lindol

Pagyanig muli! Ilang parte ng Visayas, niyanig ng 5.1 na lindol

- Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang ilang parte ng Visayas ngayong hapon, Biyernes

- Naramdaman ang pagyanig 33 kilometro timog kanluran ng Guiuan, Eastern Samar bandang 1:31 p.m. ayon sa PHIVOLCS

- Naramdaman naman ang intensity 4 sa Borongan City, intensity 3 sa Palo, Leyte at San Francisco, Southern Leyte, intensity 2 sa Surigao City, intensity 1 sa Ormoc City, at Gingoog City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Biyernes ng hapon ang ilang parte ng Visayas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang pagyanig 33 kilometro timog kanluran ng Guiuan, Eastern Samar bandang 1:31 p.m.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Borongan City, intensity 3 sa Palo, Leyte at San Francisco, Southern Leyte at intensity 2 sa Surigao City, at intensity 1 sa Ormoc City at Gingoog City.

Sabi ng PHIVOLCS, ang pagyanig ay dahil sa "tectonic in origin" o pagkakaroon ng paggalaw sa Earth's crust na may lalim na tatlong kilometro.

Inaasahan pa ang ilang aftershocks matapos nito.

Kamakailan lang ay niyanig ng magkakasunod na lindol ang Mindanao na hanggang ngayon ay nagpapahirap pa rin sa mga mamamayan doon.

Kahapon, Huwebes, niyanig naman ng magnitude 5.5 na lindol ang Jomalig, Quezon na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel