Pastor Apollo Quiboloy, bumuwelta kay Vice Ganda

Pastor Apollo Quiboloy, bumuwelta kay Vice Ganda

- Sumagot si Pastor Apollo Quiboloy sa mga sinabi pasaring ng TV host na si Vice Ganda laban sa kanya

- Ito ay matapos niyang sabihing siya ang nagpahinto ng lindol na yumanig sa Mindanao noong nakaraang buwan

- Buwelta ni Quiboloy, baka hindi lang daw Ang Probinsiyano ang mapahinto niya kundi pati ang TV Network kung saan kabilang si Vice Ganda

- Inindorso din ni Quiboloy ang Eat Bulaga! na katapat sa ere ng noontime show na It's Showtime

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Challenge accepted" ang naging sagot ni Pastor Apollo Quiboloy sa hamon TV host na si Vice Ganda sa kanya na pahintuin ang programa ni Coco Martin na "FPJ's Ang Probinsiyano" at pati na rin ang traffic sa Edsa.

Isa ang teleserye ni Coco Martin sa maituturing na pinakamatagal na teleserye sa Kapamilya network. Ang traffic sa Edsa ay isa ding problema ng bansa na matagal nang hinahanapan ng solusyon.

Matatandaang hinamon ni Vice Ganda si Quiboloy matapos nitong sabihing siya ang nagpahinto ng lindol na sunud-sunod na yumanig sa Mindanao noong Oktubre.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panooring ang sagot ni Quiboloy kay Vice Ganda dito:

Sinagot ni Quiboloy ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang reaksiyon sa sinabi ng TV host.

Pinapili nito si Vice Ganda kung kailan niya gusto mapatigil ang Ang Probinsiyano.

Dagdag pa ni Quiboloy baka hindi lang ang sikat na teleserye ang mapahinto niya kundi pati ang network na kinabibilangan ni Vice.

Pinangaralan din ni Quiboloy ang kanyang mga live audience na huwag maging mayabang.

Ipinahayag niya ang pagkagiliw sa Eat Bulaga. Ang Eat Bulaga ang katapat sa ere ng It's Showtime. Ayon sa kanya, mahal niya ang host na si Vic Sotto dahil marami daw itong ginagawa upang makatulong sa kapwa.

Si Apollo Quiboloy ang founder ng religious sect na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Nagpakilala siya bilang "The Appointed Son of God", at may ari ng buong Universe.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as the society. Following Mindanao earthquke, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel