Robredo, no show sa Cabinet meeting kagabi; pro-Duterte writer, may banat kay VP

Robredo, no show sa Cabinet meeting kagabi; pro-Duterte writer, may banat kay VP

- Binanatan ng isang writer at kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte si Vice President Robredo

- Ayon kasi sa isang ulat, no show si VP Robredo sa isang Cabinet meeting kagabi

- Pinatutsadahan pa ito ng writer at sinabing unang araw pa naman ito ng bise bilang miyembro ng gabinete

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinatutsadahan ni Krizette Laureta Chu, isang writer at kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Vice President Leni Robredo.

Ito ay dahil daw sa pagliban ni Robredo sa isang Cabinet meeting na ginanap kagabi.

"HANDA NA BA KAYO... sa mga absences ko?

"ITO TALAGA SI VP LENI, NAKAKA INSPIRE ANG WORK ETHIC. First day palang nya, absent agad sya," ani Chu sa kanyang Facebook post.

Kasunod ito ng ulat ng DZRH News kung saan ibinahagi rito ang larawan ni Palace Spokesperson Salvador Panelo sa Malacañang kasama si Pangulong Duterte at ang mga miyembro ng Gabinete para sa isang meeting ngunit wala si VP Robredo.

Kamakailan lamang ay kinasahan ni Robredo ang hamon ng Pangulo at naging co-chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), na una nang naiulat ng KAMI.

Kasunod ito ng kontrobersyal na pahayag ni Robredo tungkol sa "war on drugs" ng administrasyon, na naiulat na rin ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel