Arnell Ignacio at Erwin Tulfo, sinupalpal ang 1 campaign advertiser

Arnell Ignacio at Erwin Tulfo, sinupalpal ang 1 campaign advertiser

- Sinupalpal ni Arnell Ignacio at Erwin Tulfo ang campaign advertiser at kritiko ni Pangulong Duterte na si Yoly Villanueva-Ong

- Ito ay dahil sa mga kontrobersyal nitong tweets kaugnay sa mga biktima ng mapaminsalang lindol sa Mindanao

- Ayon pa kina Ignacio at Tulfo, kahit si Satanas ay mahihiya sa kasamaan ni Ong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni dating OWWA deputy executive director Arnell Ignacio at ng kilalang broadcast journalist na si Erwin Tulfo ang mga tweets ng isang campaign advertiser at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Yoly Villanueva-Ong.

Kaugnay ito ng mapaminsalang lindol na tumama sa Mindanao kamakailan lang.

Sa isang tweet kasi ni Ong sinabi nitong: “Hindi pa ba NYO Ma-gest? Gusto na kayong lamunin ng lupa. Magdasal na kayo at humingi ng patawad."

“Duts should seriously prepare for the afterlife. It’s getting hot, hotter, hottest,” dagdag pa nito.

Lumabas din sa ilang ulat na sinabi ni Ong na dapat lang na huwag bigyan ng tulong ang mga biktima ng lindol sa Mindanao na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Sa panayam ni Tulfo kay Ignacio sa kanyang programa noong Linggo, sinabi ng dalawa na kahit si Satanas ay mahihiya sa kasamaan ni Ong.

“Alam mo kahit si Satanas mahihiya sa kasamaan nito,” ani Ignacio.

"Alam mo ba nun nabasa ni Satanas 'yung text niya, nagtago si Lucifer! Pumasok sa kwarto," sabi naman ni Tulfo.

Ani pa ni Tulfo, ito ang unang beses na nakaengkwentro siya ng ganitong tao.

“Nag a-apologize, pero may sasabihin pa siya, alam mo kinikilabutan ako sa babaeng ito… ang sarap sampalin,” ani Ignacio.

“Anong karapatan mo na sabihin na ikaw ang gigising sa isip ng mga taga Mindanao na mali sila, parang… sino ka para sabihin na ikaw ang tama at yung mga sumusuporta sa pangulong Duterte ay mali,” dagdag pa nito.

Napag-alaman naman ng KAMI na burado na ang mga tweet at humingi na rin ng apology si Ong kaugnay nito.

“I pray that Mindanaoans accept my apology. And I hope this puts closure on this issue,” anito.

Narito ang video ng panayam mula sa Philippines Latest:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, idineklara namang "persona non grata" sa GenSan ang singer na si Leah Navarro dahil din sa mga kontrobersyal na tweets nito kaugnay ng lindol sa Mindanao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel