Interview kay Morissette Amon, sinasabing naging dahilan ng kanyang pag-walk out

Interview kay Morissette Amon, sinasabing naging dahilan ng kanyang pag-walk out

- Naging mitsa umano ng pag-walk out ng singer na si Morissette Amon ang naging panayam sa kanya bago magsimula ang concert kung saan siya dapat magtatanghal

- Bago pa magsimula ay nakangiti ang aktres na sagutin ang mga tanong sa kanya tungkol sa mga kanyang love life at sa kanyang pamilya

- Humingi naman ng pang-unawa ang kampo ng singer matapos nitong mag-walk out bago pa man siya makapagtanghal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa panayam kay Jobert Sucaldito, naging mitsa umano ng pag-walk out ng singer na si Morissette Amon ang naging panayam sa kanya bago magsimula ang concert kung saan siya dapat magtatanghal.

Nakatakda sana siyang mag-perform bilang guest sa concert ng baguhang performer na si Kiel Alo. Gayunpaman, sa gitna ng show ay biglang lumabas ang manager niyang si David Cosico para sa isang anunsiyo.

"I would like to apologize on her behalf, but there is a medical emergency that we have to attend to. I am so sorry," paliwanag ng manager ng singer.

Naglabas naman ng kanyang saloobin si Jobert. Ayon sa kanya, kahit ano pa ang pinagdadanan ay "the show must go on" kapag artist ka.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Lahat naman tayo may mga problema, pinagdadaanan sa buhay. We have even worse. Iba nga namamatayan nagso-show, kasi may commitment ka eh," dagdag pa ng producer.

"[She] felt she was attacked by the media, by the interview."

Naintindihan diumano ni Sucaldito ang sitwasyon ni Morissette. Hiling lamang niya na sana ay nagpakita man lamang ang singer para hindi lumabas na parang niloko niya ang mga manonood ng concert.

Nauna nang naiulat ang naging reaksiyon nina Anabelle Rama at Daisy Romualdez tungkol sa insidente.

Si Morissette Amon ay kilalang singer, rapper at musician. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa patimpalak ng TV5 na Star Factor sa edad na 14.

POPULAR: Read more entertainment news here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as a society. Following Mindanao earthquake, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel