Babaeng may phobia sa pagkain, nabuhay lamang sa tinapay at soft drinks

Babaeng may phobia sa pagkain, nabuhay lamang sa tinapay at soft drinks

- Kakaiba ang kalagayan ng babaeng ito na takot sa pagkain

- Amoy pa lamang daw nito, di na niya makayanan

- Kaya naman di pa raw siya nakakakain ng mainit at bagong lutong pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba at hindi talaga pangkaraniwan ang kalagayan ni Jill Hayman na mula sa Montrose, Scotland.

Ayon sa Facebook page na Born Different, mayroong siyang ARFID o Avoidance and Restricted Food Intake Disorder si Jill.

Ito ay isang kondisyon kung saan takot at ayaw niya sa karamihan ng pagkain.

Kwento ni Jill, inaakala ng marami na tila nag-iinarte lamang siya pagdating sa mga pagkain ngunit ang totoo ay hirap na hirap na siya sa kanyang kalagayan.

Kadalasan, tinapay lamang at softdrinks ang tinatanggap ng kanyang sikmura.

Mayroon din naman siyang ibang kinakain ngunit piling-pili lamang talaga. Mabusisi rin siya pagdating sa brand ng ilang pagkain dahil pag naiba na, hindi na rin niya kaya pang isubo ito.

Dahil din dito, hindi pa raw siya nakakakain ng mainit at bagong lutong pagkain.

Sa ngayon, sa suporta na rin ng kanyang kasintahang naiintindihan ang kanyang kalagayan, sumasailalim si Jill sa therapy session upang unti-unti niyang matutunang kumain ng ibang pagkain.

Umaasa si Jill na sa pamamagitan ng mga sessions na ito, magiging normal na ang kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video tungkol kay Jill:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel