60 na sakay ng lumubog na MV Siargao Princess, ligtas na

60 na sakay ng lumubog na MV Siargao Princess, ligtas na

- Na-rescue ang 53 na pasahero at 7 crew ng MV Siargao Princess na nilamon ng malaking alon

- Maswerteng nakaligtas ang lahat na sakay ng ferry boat

- 9:30 ng umaga nang ito'y pumalaot at makalipas ang dalawang oras, humingi na ito ng saklolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaligtas ang 60 na sakay ng MV Siargao Princess sa Sibonga, Cebu na lumubog ngayong umaga, Nobyembre 7.

Ayon sa CNN, na-rescue ng The Philippine Coast Guard-Central Visayas ang 53 na mga pasahero at 7 crew ng lumubog na ferry boat.

Sa panayam kay PCG-7 spokesperson Michael John Encina, sinabi nitong isang malaking alon ang lumamon sa sasakyan na siyang sanhi ng paglubog nito.

60 na sakay ng lumubog na MV Siargao Princess, nailigtas na

source: PCG7
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bandang 9:30 ng umaga ng pumalaot ito mula sa Loon, Bohol at makalipas ng dalawang oras, nakatanggap na ng distress call ang PCG mula sa MV Siargao Princess.

Wala nang nai-ulat pang nasaktan at ang lahat ay nadala agad sa port ng Cebu.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa aksidenteng ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel