Inilaan na ang TF sa PGH: Mayor Isko, pasok sa bagong pelikula ni Coco Martin

Inilaan na ang TF sa PGH: Mayor Isko, pasok sa bagong pelikula ni Coco Martin

- Balik pelikula ang sikat na 'Yorme' ng Maynila na si Isko Moreno

- Nagpasalamat siya kay Coco Martin at binigyan siya muli nito ng pagkakataong mapasabak sa pag-arte

- Bagaman at maiksi lamang ang ganap niya, natutuwa pa rin ang masipag na alkalde sa proyektong ito

- Ang nakamamangha sa kanya, nakalaan na naman sa pagtulong ang talent fee niya sa naturang pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pasok ang 'Yorme' ng Maynila na si Isko Moreno sa nilulutong pelikula ng 'Ang Probinsyano' actor na si Coco Martin.

Ayon sa Philippine Star, isa sa mga entry para sa Metro Manila Film Festival ang proyekto na ito na kinabibilangan na ni Mayor Isko.

Kwento ng alkalde, maiksi lamang ang kanyang ganap sa pelikula ngunit laking pasalamat na niya kay Coco sa pag-anyaya sa kanya na mapabilang sa cast.

Dagdag pa niya, gaganap pa rin siyang alkalde sa pelikulang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nakamamangha pa kay "Yorme" ay ang paglalalan na agad niya ng kanyang talent fee sa Philippine General Hospital.

“Tapos ‘yun sabi ko sa kanila, ibigay nila sa PGH [Philippine General Hospital] ‘yung yadba (bayad) nila sa akin,” pahayag ng alkalde.

Aminado rin si Yorme na na-miss na rin niya ang pag-aartista kaya naman masaya siyang magkaroon muli ng pelikula.

Samantala, sa isang Instagram post ni Coco, makikitang nag-uusap sila ni Mayor Isko at may caption pa ito na "Malaki ang paghanga ko sa taong ito."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel