Winner! Bartender, nagwagi ng napakalaking halaga dahil sa lotto ticket na tip ng customer

Winner! Bartender, nagwagi ng napakalaking halaga dahil sa lotto ticket na tip ng customer

- Sinuwerte ang isang bartender dahil sa tip na binigay sa kanya ng regular customer nila

- Nagulat na lang ang bartender nang manalo siya ng $50,000 mula sa lotto

- Kahit na nanalo siya ng malaking halaga, wala pa rin siyang balak tumigil sa pagtatrabaho sa bar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bartender ang pinalad dahil sa tip na binigay ng customer sa kanya.

Nalaman ng KAMI na laking gulat ng bartender na siya ang nanalo sa lotto.

Ayon sa ulat ng Yahoo, ikinuwento ng bartender na si Taylor Russey na taga-Missouri ang nangyari.

Isang regular customer nila ang kadalasang nag-iiwan ng lottery ticket at cash bilang tip sa kanila.

"It's just something nice he does for us," sabi nito.

Subalit, nais naman ng customer na huwag na siyang pangalanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong October 19, nagbigay ng abiso ang lottery na may nanalo mula sa Bleacher’s Bar kung saan nagta-trabaho si Taylor.

Naalala ni Taylor na nakakuha siya ng lottery ticket bilang tip noong isang gabi. Pagkatingin niya, parehas ang ticket number na hawak niya sa mga numerong lumabas sa lotto at Powerball.

“I kind of stood there for a second, looked at the cook and then looked at the ticket before I started laughing. And then I started crying," kwento ni Taylor.

Umabot ng $50,00 ang kanyang napalanunan. Gayunpaman, hindi pa rin daw titigil sa pagtatrabaho si Taylor sa bar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel