76 anyos na ‘no read no write’ lola, nakilala bilang master weaver sa Zamboanga

76 anyos na ‘no read no write’ lola, nakilala bilang master weaver sa Zamboanga

- Isang lola ang nakilala bilang “master weaver” sa Yakan Village

- 76 anyos na si lola at hindi siya nakapag-aral kaya paghahabi ang naging hanapbuhay niya

- Pati ang mga apo niya ay kanyang tinuruan maghabi para may pambaon ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 76 anyos na lola sa Zamboanga ang kinilala bilang “master weaver” ng Yakan Village.

Nalaman ng KAMI na si Lola Salma Ballati ay hindi nakapag-aral at mas minabuti pang maghabi.

Ayon sa Facebook video ng My Puhunan, naghahabi si Lola Salma ng mga balabal, bag, coin purse, at iba.

Si Lola Salma ay isang Yakan. Kilala sila bilang mga katutubo na magaling maghabi.

“Nag-umpisa po ako, dalaga pa ako, marunong na ako,” sabi ni Lola Salma.

“Inanohan lang ako ng nanay ko, tinuruan niya lang ako,” dagdag pa nito.

Halos limang dekada nang naghahabi si Lola Salma at ito na ang kanyang pinagkakakitaan noon pa man.

“Wala aking ibang alam kundi ganitong paggawa lang. Wala naman akong pinag-aralan. Hindi ako marunong magsulat. Ito na lang, maggawa ng design, mag-weave,” giit niya.

Kwento pa ni Lola Salma, tinuruan niya rin ang mga anak at apo niy maghabi upang may kitain ang mga ito at may pambaon sa eskwelahan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang paghahabi ni Lola Salma. Minsan ay umaabot ng buong araw o isang buwan ang paggawa ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Panoorin ang buhay ni Lola Salma rito:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel