Estudyanteng nagrereview para sa board exam, natagpuang patay sa 1 hotel

Estudyanteng nagrereview para sa board exam, natagpuang patay sa 1 hotel

- Natagpuang tadtad ng saksak at wala ng buhay ang estudyanteng naghahanda raw para sa board exam sa isang budget hotel sa Maynila

- Ayon sa ulat, lumuwas sa Maynila ang estudyante mula sa Mindanao noong July 2019

- Isang lalaki na kasama nitong nag-check in ang itinuturing na suspek at kasalukuyang pinaghahanap na ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nananawagan ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ng pinatay na Chemical engineering graduate mula sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, natagpuang wala nang buhay at tadtad ng saksak ang 23-anyos na si Billy Ferolin noong November 1, bandang 8:00 ng umaga sa isang budget hotel sa Maynila.

Isang empleyado na nagsasagawa ng routine inspection sa hotel ang nakakita sa katawan ng biktima malapit sa comfort room.

Sa isang tweet ng netizen na si Daniella Ingrid Romanillos, kapitbahay ng biktima, sinabi nitong lumuwas sa Maynila si Ferolin para maghanda para sa board exam.

Sabi pa sa ulat, sinabi ni Capt. Henry Navarro, chief ng Manila Police District Homicide Section, isang lalaki na naka-itim na jersey at may taas na 5’8’’ ang kasama ng biktima na nag-check in sa hotel noong November 1, bandang 4:59 ng umaga base sa imbestigasyon.

Samantala, napag-alaman ng KAMI na dinala ang katawan ng biktima sa isang punerarya para sa autopsy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel