Pitakang may ₱50,000 na nakita ng 2 estudyante sa basurahan, naisauli sa negosyanteng may-ari

Pitakang may ₱50,000 na nakita ng 2 estudyante sa basurahan, naisauli sa negosyanteng may-ari

- Isinauli ng dalawang estudyante sa Baguio ang pitakang may lamang ₱50,000

- Magmemerienda lang sila nang makita ang pitaka na agad nilang ipinagbigay alam sa Tourist Police Unit

- Binabalak nang parangalan ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang dalawa dahil sa kanilang katapatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinag-interesan ng dalawang estudyante ng Baguio City National High School ang pitakang kanilang nakita na may laman na ₱50,000.

Nakilala ang dalawa na sina Ziprene Anne Buteng at Jake Vargas.

Kwento ng mga estudyante, lumabas lang sila upang magmerienda nang mapansin ang makapal na pitaka sa basurahan.

Nang makita ang halaga ng salapi, agad nila itong ibinigay sa Tourist Police Unit.

Wallet na may ₱50,000 na nakita ng 2 estudyante sa basurahan, naisauli sa negosyanteng may-ari

source: ABS-CBN news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad namang nai-post ng pulisya sa lugar ang tungkol sa nawawalang pitaka kaya agad itong nakuha.

Isang negosyante pala ang may-ari nito na laking pasalamat sa dalawang estudyante.

Dahil dito, binabalak na ng lokal na pamahalaan ng Baguio na parangalan ang mga nakapulot ng pitaka dahil sa katapatang ipinamalas na dapat din tularan ng kanilang kapwa kabataan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel