Bibong batang laki sa hirap, pinaluha ang audience ng Wowowin

Bibong batang laki sa hirap, pinaluha ang audience ng Wowowin

- Naantig ang puso ng mga audience ng Wowowin sa batang si Enel

- Maging si Willie Revillame ay natuwa sa kabaitan ng batang contestant

- Walang ibang hangad ang bata kundi ang maging masaya ang kanyang pamilya

- Dahil sa pinakitang katapatan ng bata, binigyan siya agad ng host ng pambili ng hiling niyang bisikleta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng batang si Enel na contestant ng Wowowin noong Oktubre 23.

Naantig ang mga audience ng programa sa kwento ng musmos na talaga namang tumagos sa kanilang puso.

Kwento ni Enel, kaarawan niya noong Oktubre 8 ngunit wala siyang handa.

Nang tanungin ng host ng programa na si Willie Revillame kung ano ang nais ng bata, sinabi nitong nais niyang magkaroon ng bisikleta at makatanggap ng cake.

Di naman nagdalawang isip pa si Willie na bigyan ng pambii ng bisikleta ang bata at sagot narin niya ang cake nito.

Nang makausap pa ni Kuya Wil ang mga magulang ng bata, napatunayan nilang likas na mabait si Enel.

Kwento ng kanyang ina, dinadalhan pa raw sila ni Enel ng kape kapag sila ay nasa bukid na mag-asawa at nagtatrabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kusa na rin itong kumakain kahit kapeng barako at kanin lamang bago pumasok sa eskwela at di na ito umiinda pa ng kanyang pambaon.

Naglalakad din ng halos dalawang kilometro si Enel papasok ng kanyang paaralan at ni minsan ay di ito nagreklamo.

Bukod pa raw sa talento nito sa pagkanta ay mahusay din itong mag-aaral kaya naman isang biyayang itinuturing ng kanyang mga magulang si Enel.

Dahil sa mga nalaman pa ni Willie tungkol sa contestant, labis siyang natuwa at binigyan niya ito ng ₱25,000.

Pang-blowout daw ito ng bata sa kanya pamilya at kasama na rin dito ang kahilingan niyang bike.

Mapapansing halos lahat ng studio audience ay lumuha sa kwento ng batang si Enel.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel