Singer na si Leah Navarro, idineklarang "persona non grata" sa GenSan

Singer na si Leah Navarro, idineklarang "persona non grata" sa GenSan

- Idineklarang "persona non grata" ang singer na si Leah Navarro dahil sa kanyang tweet tungkol sa Mindanao earthquake

- Ayon kay City Councilor Franklin M. Gacal Jr. na siyang author ng resolusyon, ang tweet ni Navarro ay may kaugnayan sa politika

- Samantala, burado na ang nasabing tweet at humingi na rin ng sorry si Navarro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idineklarang "persona non grata" sa Genaral Santos City ang singer na si Leah Navarro dahil sa kanyang tweet tungkol sa Mindanao earthquake.

Ayon pa sa resolusyon, hindi na maaari pang magperform si Navarro sa GenSan.

“That no permit shall be given to any person where Leah Navarro is featured as a performer in any show, whatsoever, in the City of General Santos.”

Sa tweet ni Former Supreme Court Spokesperson Theodore Te noong October 31, tinanong nito ang kanyang mga followers ng: “What’s with all the earthquakes in Mindanao?”

Isa sa mga nag-reply sa tweet na ito ni Te si Navarro at sinabing: “Retribution?”

Samantala, sa isang ulat ng Pinoy Trend, sinabi ni City Councilor Franklin M. Gacal Jr., na siyang author ng resolusyon, na ang tweet ni Navarro ay may kaugnayan pa rin sa politika.

Parehong kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Te at Navarro.

Napag-alaman naman ng KAMI na pareho nang burado ang tweet ng dalawa at humingi na rin ng sorry si Navarro.

“I apologized and deleted my tweet. It is their right not to forgive me. There’s nothing I can do about that,” sabi ng singer.

Sa isang Facebook post naman, tinuligsa ng kilalang Pro-Duterte writer na si Krizette Laureta Chu si Navarro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel