Kasalan sa Kidapawan, ginanap sa labas ng mga sirang gusali dala ng lindol

Kasalan sa Kidapawan, ginanap sa labas ng mga sirang gusali dala ng lindol

- Walang nakapigil sa kasalan ng apat na nag-iibigan sa Kidapawan City

- Itinuloy pa rin ng Mayor ng munisipalidad ang seremonya ng pag-iisang dibdib sa mga nakatalagang ikasal sa araw na iyon

- Ito ay isang araw matapos na yanigin ang lugar ng nasa magnitude 6.6 na lindol

- Dahil dito, ilang gusali ang nasira habang ang munisipyo kung saan sana idaraos ang kasalan ay pansamantalang isinara para sa inspeksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila malalampasan na raw ng apat na bagong kasal na ito sa Kidapawan City ang anumang unos sa kanilang relasyon dahil itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib sa kabila ng naranasang malakas na lindol sa kanilang lugar.

Ayon sa Inquirer, walang dahilan si Kidapawan Mayor Joseph Evangelista upang hindi ituloy ang naka-schedule na kasalan noong Oktubre 30.

Ito ay isang araw matapos makaranas ng malakas na lindol ang lugar. Dahil dito, ilang gusali ang napinsala dahil sa magnitude 6.6 na pagyanig.

Kasalan sa Kidapawan, ginanap sa labas ng mga sirang gusali dala ng lindol

source: Abner Francisco
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At Dahil pansamantalang isinara ang munisipyo kung saan sana idaraos ang kasalan, ginanap ito sa labas gamit lamang ang tent na nagsilbing silong ng mga ikakasal.

Sa paligid nito, makikita ang daan-daang evacuees na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan.

Nasa tatlong beses naantala ang seremonya dahil sa mga aftershocks na naramdaman ngunit nairaos pa rin ang kasalan.

Samantala, hindi na nakapagdiwang pa ang mga bagong kasal sa mga hotel para sana sa kani-kanilang wedding reception dahil karamihan sa mga ito ay sarado para sa inspeksyon kaugnay pa rin ng paglindol.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel