Sa ₱200 na kita kada araw: Inang naghahabi at nangingisda, napagtapos ang 12 mga anak

Sa ₱200 na kita kada araw: Inang naghahabi at nangingisda, napagtapos ang 12 mga anak

- Nakakabilib ang kwento ng inang ito na naghahabi ng banig at nangingisda upang maitaguyod ang kanilang malaking pamilya

- Mula nang maoperahan ang kanyang mister sa mata, si Nanay Lionila na ang bumubuhay sa kanyang mga anak

- Dahil siya mismo ay salat sa pag-aaral, nagsusumikap siyang maigapang ang edukasyon para sa mga anak

- Aminadong mahirap ang kanyang karanasan ngunit kinakaya niya ito dala ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya

- Masasabing "superwoman" ang inang si Lionila Gacutno dahil sa pagtataguyod niya sa kanyang 12 anak at asawang nagkaroon ng karamdaman.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng programang 'Brigada' ang kwento ni Nanay Lionila na naglalala ng banig na tikog at isa ring mangingisda.

Maagang nagsisimula ang araw ng 58-anyos na ginang. Agad siyang papalaot at mangingisda. Madalas, umaabot lamang ng ₱70 ang kinikita niya sa panghuhuli ng isda na sapat lamang sa pambili ng kape at asukal nila sa ilang araw.

Matapos ito, diretso na sila sa kweba ng Saob kung saan sila naglalala mula pa noong 1980.

Ito na ang pangunahin nilang ikinabubuhay lalo pa at naoperahan ang asawa niya sa mata.

Dahil dito, mag-isa na siyang nagha-hanapbuhay para sa 12 mga anak.

Sa ₱200 na kita kada araw, nagawa niyang maigapang ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

Aminado siyang mahirap ang kalagayan lalo pa at salat siya sa edukasyon. Ito ang dahilan kung bakit pinagsusumikapan niyang mapagtapos ang lahat ng kanyang mga anak.

Masasabing "superwoman" si Nanay Lionila dahil sa pagpapakita nito ng katatagan mabigyan lang ng maayos na buhay ang kanyang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng nakakaantig na kwento ni Nanay Lionila:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel