Nakakaloka! Bawian at solian ng mag-ex, kinaaliwan ng mga netizens

Nakakaloka! Bawian at solian ng mag-ex, kinaaliwan ng mga netizens

-Sa muling paghaharap ng dating magkasintahan na Ferdinand at Innah, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na maglabas ng kani-kanilang saloobin

-Nagkita muli ang dalawa matapos ireklamo ni Ferdinand ang dating nobya ng pangangaliwa at para na rin bawiin ang mga naibigay niya rito

-Matapos naman ang pag-uusap ng dalawa ay nagkasundo ang mga ito at maayos na nagkahiwalay ng landas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na ngang nagharap ang dating magkasintahan na sina Ferdinand Gomez at Innah Esmero matapos ireklamo ng una ang ex dahil sa pangangaliwa nito.

Lumapit si Ferdinand, na mula pa sa California, sa programa ni Raffy Tulfo para idulog ang reklamo sa ex-GF niya na mayroon na palang iba at para na rin mabawi ang mga naibigay niya rito, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa kanilang muling pagkikita ay mahinahon na nag-usap ang dalawa at dinala rin ng inireklamong babae ang lahat ng nais bawiing gamit ni Ferdinand, kabilang na ang titulo ng lupa, mamahaling cellphone at singsing.

Samantala, inamin na rin ni Innah na mayroon na nga siyang ibang boyfriend.

Ngunit giit pa nito, hindi lamang siya ang nagloko dahil limang babae raw ang nahuli niyang ka-chat ni Ferdinand.

Nakiusap naman ito sa dating nobyo tungkol sa halagang nais nitong bawiin na umabot sa mahigit P300,000 mula sa kanya na ayon naman kay Innah ay kusang ibinigay sa kanya ng ex-BF.

Sa huli, pumayag na rin si Ferdinand na P100,000 na lamang ang ibabalik ni Innah sa kanya.

Maging ang mga bagay na binawi niya ay muli rin nitong ibinalik kay Innah maliban sa cellphone at titulo ng lupa.

Maayos na nag-usap ang dalawa at masaya raw si Ferdinand na inamin ni Innah ang kasalanan at humingi ng tawad sa kanya.

Ganunpaman, hindi na muli pang nagkabalikan ang dalawa dahil na rin daw sa mga nangyari at maayos na lamang na naghiwalay ng landas.

Marami namang netizens ang kinilig daw sa dalawa at naaliw na rin sa love story ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel