'Bagong Maynila': Mayor Isko, ipinasilip ang bagong bihis ng Lawton underpass

'Bagong Maynila': Mayor Isko, ipinasilip ang bagong bihis ng Lawton underpass

- Ipinakita ni Mayor Isko Moreno ang isa sa marami nang pagbabago sa Maynila

- Pinipinturahan at nililinis na ang dating makalat at maruming Lawton underpass

- Nagpasalamat ang ilang netizens na mamayan ng Maynila dahil sa isa na namang naisakatuparang proyekto ng kanilang alkalde

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Mayor Isko Moreno ang isa na namang pagbabago sa kanilang lungsod.

Sa kanyang Facebook post makikita ang bagong bihis na Lawton underpass sa tapat ng Mehan Garden.

Kapansin-pansin ang kalinisan sa dating marumi at magulong underpass na ito.

Makikita rin ang paglilinis at pagpipintura sa mga pader na dati ay puno lamang ng bandalismo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpasalamat din ang alkalde kina Engr. Andres at sa mga city engineering employees gayundin sa city electrician na si Engr. Randy Sadac sa tulong ng mga ito para sa pagbabagong anyo ng nasabing underpass.

Laking pasalamat ng mga mamayan ng Maynila sa naisakatuparang proyekto na ito. Lalo na raw ang mga mag-aaral na madalas dumaan dito dahil sa kaaya-aya na raw daanan ang lugar na dati ay kinatatakutan dahil sa kakulangan nito sa kaayusan.

Inaasahan pa ng marami ang pagkakaroon dito ng mural paintings at mga CCTV upang matiyak naman ang seguridad ng lugar.

Narito ang kabuuan ng post ng 'Yorme' ng Maynila:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel