Syrian vlogger, namakyaw ng trapal at kumot na ipamimigay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Syrian vlogger, namakyaw ng trapal at kumot na ipamimigay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

- Viral ang post ng Syrian vlogger na mamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

- Namakyaw siya ng mga trapal at kumot na kakailanganin ng mga nawalan ng tirahan at mga lumikas na kababayan natin lalo na sa North Cotabato

- Nanawagan din ang vlogger na ito sa mga nais pang magpaabot ng kanilang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang isa na namang pagtulong ni "Hungry Syrian Wanderer" sa mga kababayan nating nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Sa kanyang Facebook post nitong Nobyembre 4, makikita ang pamamakyaw ng vlogger ng mga trapal at kumot. Ilan lamang kasi ang mga ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga nawalan ng tirahan dahil sa lindol.

Kahit malayo raw ang kanyang biyahe, sinadya niya ang pamilihan sa Caloocan dahil sa ganda ng kalidad ng mga paninda roon. Halos pareho raw kasi ito ng mga nasa mall at mas mura pa.

Sinisiguro niya kasing matitibay ang kanyang mga ipamimigay sa mga nagsilikas nating mga kababayan upang may maayos silang masilungan at sapin pag sila'y namamahinga sa gabi.

Bukod din daw sa pagtulong ng Syrian national na ito sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato, natulungan din daw niya ang mga tindera sa Caloocan sa dami ng kanyang mga pinamili.

Naghahanda na rin ang vlogger na ito na mamakyaw ng bigas na kanya ring ipamimigay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanawagan din siya sa mga nais pang tumulong upang madagdagan pa ang mga ipaabot na donasyon sa mga kababayan nating nasa mahirap na kalagayan ngayon sa Mindanao.

Hindi ito ang unang beses na gumawa ng tulong ang vlogger na ito. Sa naunang balita ng KAMI, matatandaang binigyan niya ng bahay ang kanyang masipag na katiwala dito sa Pilipinas.

Anim na taon nang namamalagi sa bansa ang Syrian vlogger na ito na nagmamay-ari rin ng ilang negosyo dito.

Masasabing pusong Pinoy na talaga siya dahil sa tindi ng pagmamahal niya sa mga Pilipino at niyakap na rin niya ang ating kultura.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel