Vico Sotto, inanunsiyo ang ₱14 milyon na donasyon ng Pasig City sa Mindanao quake victims

Vico Sotto, inanunsiyo ang ₱14 milyon na donasyon ng Pasig City sa Mindanao quake victims

- Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ₱14 milyon na donasyon lungsod sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

- Bukod pa rito, magbibigay din sila ng relief goods

- Hahatiin ang halagang ito sa iba't-ibang munisipalidad ng Davao del Sur at North Cotabato na matindi ang nadamang pinsala ng pagyanig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang donasyon ng lungsod para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ayon sa kanyang Tweet ngayong Nobyembre 4, magbibigay ang Pasig ng ₱14 milyon at mga relief goods sa ating mga kababayan sa Mindanao.

Sa ulat ng Philippine Star, sinabing hahatiin ang donasyon na ito sa iba't-ibang munisipalidad ng Davao del Sur at North Cotabato.

Kamakailan ay niyanig ang iba't ibang bahagi ng Mindanao ng malalakas na paglindol na siyang sanhi ng matitinding pinsala sa mga kabahayan ng ating mga kababayan at maging sa kanilang mga kabuhayan.

Dahil dito, sunod-sunod na ang mga donasyong dumating sa apektadong lugar tulad na lamang ng pagsadya mismo roon ng aktres na si Angel Locsin na namili at namahagi ng donasyon sa Mindanao. Una na itong naiulat ng KAMI.

Gayundin ang pagbibigay ng 5 milyong pisong donasyon ni Mayor Isko Moreno ng Maynila na kinuha pa ang halaga na ito sa kanya raw mga talent fee sa kanyang pagmomodelo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel