Bride na 7 taon nang naka-wheelchair, sinurpresa ang groom nang maglakad ito patungong altar

Bride na 7 taon nang naka-wheelchair, sinurpresa ang groom nang maglakad ito patungong altar

- Pinaghandaan talaga ng bride na pitong taon nang naka-wheelchair ang paglalakad niya sa araw ng kanyang kasal

- Nagulat ang lahat lalo na ang kanyang groom nang maglakad patungo sa altar ang bride na dati palang sundalo

- Bagaman at balik wheelchair siya matapos ang seremonya, masaya siyang nakapaglakad patungo sa altar upang pakasalan ang taong mahal niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga at natunaw ang puso sa ginawa ni Emma Kitson na sinikap maglakad patungong altar sa araw ng kanyang kasal.

Ayon sa Yahoo News, pitong taon nang naka-wheelchair ang 35-anyos na dating sundalo matapos maapektuhan ang kanyang spine dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na armas.

Sa kagustuhan niya kasing patunayan na kaya niyang makipagsabayan sa mga lalaki, pinanindigan niya ang pagiging gunner sa giyera o ang paghawak ng mga mabibigat na armas.

Di niya alam, unti-unti na palang naapektuhan ang kanyang katawan at ito ang naging dahilan upang di na siya makalakad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bride na 7 taon nang naka-wheelchair, sinurpresa ang groom nang maglakad ito patungong altar

source: SWNS
Source: Facebook

Samantala, labis na pinaghandaan ni Emma ang araw ng kanyang kasal.

Katunayan, inaabot siya ng ilang oras araw-araw bago ang kasal sa pagpapalakas ng kanyang mga binti.

Ginawa niyang sikreto ito kanino man kaya nang sumapit ang mismong araw ng kasal, nagulat ang lahat nang bigla na lamang itong tumayo at naglakad.

Subalit ito ay panandalian lamang. At kahit kailangan pa rin niyang bumalik sa wheelchair, masaya siyang nakapaglakad patungong altar upang pakasalan ang lalaking kanyang pinakamamahal.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel