Anak na nagtitext pa rin sa yumaong ama, nakatanggap ng 'reply' makalipas ang 4 na taon

Anak na nagtitext pa rin sa yumaong ama, nakatanggap ng 'reply' makalipas ang 4 na taon

- Araw-araw pa ring nagpapadala ng text ang anak sa amang pumanaw na

- Makalipas ang apat na taon, nakatanggap siya ng reply na di niya talaga inaasahan

- Nagsilbi pala siyang lakas ng taong ito sa tuwing nababasa ang kanyang text na para sana sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakaaantig ng puso ang kwento ng 23-anyos na babaeng si Chastity Patterson mula sa Arkansas na namatayan ng ama, apat na taon na ang nakalipas.

Ayon sa dailymail uk, mula nang pumanaw ang ama, nagmistulang diary niya ang pagtitext pa rin sa numero nito.

Walang araw kasing di siya nagpapadala ng mensahe sa numero na animo'y katext pa rin ang ama tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay araw-araw.

Ngunit nang sumapit ang ikaapat na anibersaryo ng pagpanaw ng pinakamamahal niyang daddy, laking gulat niya nang makatanggap siya ng 'reply.'

Imbis na matakot, nadurog lalo ang puso ni Chastity nang malaman kung sino ang nagreply sa kanya.

Isa rin pala itong ama na namatayan ng anak na babae. Nasawi raw ang kanyang anak sa isang car accident at ang mga text ni Chastity ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang harapin ang hirap at lungkot sa araw-araw.

Katunayan, "angel" pa raw ang tawag ng lalaking nagpakilalang si Brad kay Chastity. Dahil kasi sa mga text nito, nabubuhayan siya ng loob at unti-unting naiibsan ang sakit ng pagkawala ng anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa sobrang gulat at pagkamangha ni Chastity sa nangyari, binahagi niya ito sa kanyang Facebook.

Marami ang naantig sa kwentong ito ng parehong nawalan ng mahal sa buhay.

Marami rin ang di makapaniwalang pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang taong ito na nangungulila sa mga yumaong mahal nila sa buhay.

Dahil raw sa kakaibang pangyayaring ito, mas lalo raw tumibay ang pananampalataya ni Chastity at siya'y naniniwala na iyon ang hudyat upang tuluyan nang papahingahin ang kanyang ama at ito'y nasa mas maayos na kinaroroonan na talaga.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel