Babae, inireklamo ang mga kapatid na pinaglaba at pinatulog sa hagdan ang ina

Babae, inireklamo ang mga kapatid na pinaglaba at pinatulog sa hagdan ang ina

- Masama ang loob ng isang ginang sa kanyang mga kapatid na nagpabaya raw sa kanilang ina at nagawa pang patulugin sa hagdan ang 90-anyos na matanda

- Bukod daw kasi sa nawawala ang sustento na ipinapadala niya sa nanay ay nakararanas pa raw ito ng hindi maganda sa poder ng kanyang mga kapatid

- Ayon pa sa anak nito ay naabutan pa raw nito ang kanilang lola na naglalaba sa kabila ng edad at sakit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na sama ang nagtulak sa ginang na si Maria Socorro Magbanua at sa anak nito na si Joven para isumbong sa programa ni Raffy Tulfo ang mga kapatid ni Socorro.

Ayon sa reklamo ni Socorro, nalaman daw niya na pinatulog ang kanilang ina na 90-anyos na at mayroon ng mga sakit.

At nang maospital ang ina ay hindi man lamang daw nadalaw o naalagaan ng mga ito ang matanda.

Nawawala rin daw ang mga perang ipinapadala niya sa ina para sa sustento nito.

Kwento naman ni Joven, minsan umanong nadatnan ng kanyang kapatid ang lola na naglalaba sa kabila ng edad at sakit nito.

At wala man lang daw pakialam ang mga kanyang tiyahin na si Nenita.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ni Bobby Melgar, isa sa mga kapatid ni Socorro, ang mga paratang ng mag-ina.

Inamin naman nito na maliit ang kanyang bahay kaya hindi komportable ang matanda sa pananatili nito roon.

Nais rin nito na makipag-usap at makipag-ayos sana kay Socorro ngunit tumanggi na ang ginang.

Nakatatanggap na raw kasi siya ng pagbabanta mula sa kanyang mga pamangkin.

Hindi naman nakapanayam sa programa ang iba pang kapatid ni Socorro na inireklamo nito.

Samantala, ayon naman kay Socorro ay nasa maayos na lagay na sa bahay ng isa sa kanyang mga kapatid ang kanilang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika Dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel