CEO ng McDonald's, tinanggal dahil sa pakikipagrelasyon sa isang empleyado

CEO ng McDonald's, tinanggal dahil sa pakikipagrelasyon sa isang empleyado

-Tinanggal ang CEO ng sikat na fastfood chain na McDonald's na si Steve Easterbrook dahil sa pakikipagrelasyon sa isang empleyado

-Ayon sa ulat, inamin naman ito ni Easterbrook at sinabing ang nasabing relasyon ay isang pagkakamali

-Mahigpit na ipinagbabawal sa kompanya ang pakikipagrelasyon ng mga managers sa mga subordinate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalis sa pwesto ang chief executive ng sikat na fastfood chain na McDonald's na si Steve Easterbrook dahil sa pakikipagrelasyon nito sa isang empleyado.

Ayon sa ulat, inamin naman ito ni Easterbrook at sinabing isang pagkakamali ang nasabing relasyon.

"Given the values of the company, I agree with the board that it is time for me to move on," anito base sa ulat ng BBC News.

Mahigpit na ipinagbabawal ng kompanya ang pakikipagrelasyon ng kanilang mga managers sa mga subordinate.

Napag-alaman naman ng KAMI na si hiwalay na sa asawa si Easterbrook, 52-anyos at unang nagtrabaho sa nasabing fastfood chain noong 1993 bilang manager sa London bago umangat ang posisyon.

Naging chief executive ito ng McDonald's noong 2015 at kinilala ang kanyang husay sa management.

Samantala, papalitan si Easterbook ni Chris Kempczinski, presidente ng McDonald's USA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika Dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel