Mga biktima ng lindol, namamalimos na sa gilid ng daan para may makain

Mga biktima ng lindol, namamalimos na sa gilid ng daan para may makain

- Napilitan nang mamalimos sa gilid ng kalsada ang mga mamamayang biktima ng lindol sa ilang lugar sa Mindanao

- Wala pa raw kasing dumarating na tulong mula sa national government para sa kanila

- Ayon naman sa ilang LGU, bagamat may pondo naman para sa mga ito ay nangangailangan pa rin ng tulong mula sa national government dahil sa laki ng bilang ng nasalanta ng trahedya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napilitan nang mamalimos ang ilang residente na biktima ng lindol sa ilang lugar sa Mindanao, ayon sa isang ulat ng GMA News.

Ang ilan sa kanila, namamalimos na sa mga motoristang dumaraan sa kalsada kahit pa nga delikado ito lalo sa mga kabataan.

Bagamat may mga nag-aabot naman daw ng tulong mula sa mga dumaraang may mabubuting puso, nangangailangan pa rin sila ng tulong.

Sabi ng ilan sa kanila, sa mga evacuation center daw kasi nakapokus ang mga tulong na dumarating.

May mga residente na rin kasi ang lumikas at bumaba mula sa mga bundok dahil sa takot at para na rin humingi ng tulong.

Ayon sa ulat, wala pa raw kasing dumarating na tulong mula sa DSWD.

Sa isang barangay naman, naglaan ng pondo para sa mga evacuees ngunit hindi pa rin ito sasapat.

Bagamat may nakalaang pondo naman daw para sa mga nasalanta ayon sa mga local government unit, nangangailangan pa rin ng tulong mula sa national government dahil sa laki ng bilang ng mga nasalanta ng trahedya.

Una nang naibalita ng KAMI ng tamaan ng magkasunod na lindol ang ilang lugar sa Mindanao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel