Ilang kabataan, sama-sama sa pagtulong sa matandang kalunos-lunos ang lagay

Ilang kabataan, sama-sama sa pagtulong sa matandang kalunos-lunos ang lagay

-Umani ng paghanga ang ilang kabataan na sama-samang tinulungan ang isang matandang mayroong Alzheimer's disease

-Ayon sa uploader, ilang araw na nilang napansin ang matandang lalaki na court sa kanilang lugar kaya naman nagpasya ang mga ito na alamin ang lagay nito

-Nag-ambag-ambag ang mga ito para maibili ng pagkain at maisusuot ang matanda at naiuwi pa nila ito sa bahay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ilang kabataan na sama-samang tumulong sa isang matandang kanilang naispatan sa kanilang lugar at may kalunos-lunos na lagay.

Ayon sa netizen na si Ivan Azada, napag-alaman nila Alfred ang pangalan ng matanda at mayroon itong Alzheimer's disease ayon sa suot nitong ID.

Ilang araw na raw kasi nila itong nakikita sa court sa kanilang lugar.

Tulong-tulong ang mga ito na tanggalin ang mga kung anu-anong nakatali sa katawan ng matanda na nadiskubre nilang may sugat pala.

Pinaliguan din nila ang matandang lalaki at ginamot ang sugat nito.

Nag-ambagan din ang mga ito para pambili ng pagkain at maisusuot ng matanda.

Nagawa ding maiuwi ng mga kabataan si tatay Alfred sa bahay ng mga ito.

Dahil dito, umani ng papuri ang mga kabataan sa kanilang kabutihang ipinamalas sa matandang lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel