Anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin, hinangaan dahil sa pagiging humble

Anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin, hinangaan dahil sa pagiging humble

-Marami ang humanga sa anak ni Manila Mayor "Isko Moreno" Domagoso na si Joaquin nang ma-interview ito ng media

-Bukod kasi sa pagiging humble nito ay hinangaan din ng marami ang pagiging tapat nito

-Ngunit hindi lang si Joaquin ang umani ng papuri kung hindi maging si Mayor Isko dahil sa kanyang maayos na pagpapalaki sa mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa anak ni Manila Mayor "Isko Moreno" Domagoso na si Joaquin Domagoso dahil sa kanyang pagiging humble.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon na ma-interview si Joaquin ng media dahil sa pelikula na kinabibilangan nito.

Ilan sa mga katanungan na matapat na sinagot ni Joaquin ay ang halaga ng baon na ibinibigay sa kanya ni Mayor Isko.

Ayon kay Joaquin, P200 ang kanyang baon at sabi pa nito ay sapat na ito para sa kanya dahil wala pa raw P100 ang pagkaing binibili nito sa school.

Inamin din ng younger Domagoso na mahilig siya sa mga streetfoods na ayon pa nga sa ilan ay bihira na sa mga mayayamang kabataan.

Ang lubos na ikinagulat pa ng marami ay nang tanungin ito ng isang member ng media kung ano ang "luxurios" na bagay para rito.

Sagot ni Joaquin, "V-cut" (potato chips) na nagpamangha sa lahat doon.

Ito ay matapos malaman ng lahat na wala pala itong sariling kotse at wala pa raw balak na bumili dahil namamahalan daw ito.

Ngunit hindi lang si Joaquin ang umani ng papuri kundi maging ang sikat na alkalde ng Maynila.

Maraming netizens ang lalong humanga kay Mayor Isko dahil daw sa kanyang maayos na pagpapalaki sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang video ng panayam mula sa FB account ng netizen na si Raymon Kutch:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel