FX na nahulog sa bangin, 3 araw pa bago nakita; 3 sakay patay, 1 nakaligtas

FX na nahulog sa bangin, 3 araw pa bago nakita; 3 sakay patay, 1 nakaligtas

-Isang FX ang natagpuan ng mga awtoridad na nahulog sa bangin sa Benguet matapos magreport ang mga kaanak ng mga sakay nito

-Tatlo sa mga ito ay natagpuang patay na habang ang isang nakaligtas, tuliro at walang maalala nang makita ng mga pulis na palaboy-laboy

-Ayon sa imbestigasyon, lumalabas na nakatulog ang driver na kasamang nasawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong araw pa bago natagpuan ang isang FX na nahulog sa bangin sa Benguet matapos magreport ang mga kaanak ng mga sakay nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, nag-alala na ang pamilya ng apat na sakay nito dahil hindi na nakarating pa ang magpipinsang lulan ng FX na naispatan pa sa isang kuha ng CCTV.

Dahil sa paghahanap ng mga pulis, nakita ang FX sa ilalim ng isang bangin, isang kilometro ang layo mula sa daan.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatulog ang driver nito na isa sa mga nasawi.

Samantala, isa sa magpipinsan ang nakaligtas, si Franklin Pay-oen, na natuliro at walang maalala nang makita ng mga pulis na palaboy-laboy sa daan.

Sabi nito nang makausap ilang araw matapos matagpuan at may kaunti nang naaalala, ilang araw siyang nagpalaboy sa daan at walang makain o mainom.

Sinubukan pa raw nitong pumara sa mga nagdaraang motorista ngunit kahit isa sa mga ito ay wala raw huminto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel