Angel Locsin, todo pasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya na maihatid ang kanyang donations

Angel Locsin, todo pasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya na maihatid ang kanyang donations

- Lubos ang pasalamat ni Angel Locsin sa lahat ng tumulong sa kanya upang maiabot ang kanyang donations

- Ito ay matapos salantain ng malalakas na lindol ang ilang bayan sa Mindanao partikular sa Davao at Cotabato

- Pinasalamatan din ni Angel ang ilang taong walang alinlangang nagpahiram sa kanila ng truck para magamit sa kanyang paghatid ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Todo ang pasasalamat ni Angel Locsin lahat ng tumulong sa kanya na maihatid ang kanyang donations. Ito ay matapos ang sunod-sunod na mapaminsalang lindol na tumama sa Mindanao.

Hindi nag-atubili si Angel na magtungo sa ilang bayan na nasalanta ng kalamidad upang maghatid ng tulong. Kaya naman, abot-abot din ang pasasalamat ng mga netizens sa aktres na tinagurian nilang "anghel sa lupa" at "real life Darna."

Gayunpaman, hindi kinalimutan ng aktres na pasalamatan ang mga volunteers na tumulong sa kanya gayundin ang ilang mga taong nagpahiram sa kanila ng truck.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming beses na ring napatunayan na may ginintuang puso ang aktres. Sa tuwing may mga kalamidad ay handa siyang tumungo sa iba't-ibang panig ng bansa maihatid lang ang kanyang tulong.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na marami pa rin ang patuloy na humahanga at sumusuporta sa kanya.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika Dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.”

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel