Cotabato, muli na namang niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Cotabato, muli na namang niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

- Isang lindol na naman ang yumanig sa mga mamayan ng Tulunan Cotabato

- Magnitude 4.4 ang naramdaman nilang lindol ngayon Nobyembre 3 ng hapon

- Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Tulunan, Cotabato ngayong Nobyembre 3.

Ayon sa Philippine Star, bandang 2:05 ng tanghali ng maramdaman muli ang pagyanig na ikinabahala ng mga mamamayan doon na di pa nakaahon sa mga naunang lindol na naranasan.

Sa mismong Tulunan din ang epicenter nito at wala namang inaasahang aftershocks matapos ito.

Kamakailan lamang, halos tatlong magkakasunod na lindol ang yumanig sa Mindanao na nagdulot ng matinding pinsala sa mga apektadong lugar doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa Cotabato, apektado rin ang buong bahagi ng Davao kung saan maging ang tahanan ng pangulong Rodrigo Duterte ay naapektuhan din.

Tinatayang nasa magnitude 6.3 hanggang 6.6 na lindol ang naranasan sa lugar na nagdala ng pagguho ng mga gusali at pagkakaron ng mga bitak sa lupa.

Ayon sa Phivolcs, asahang masusundan pa ang mga pagyanig na ito kaya naman nagsilikas na ang mga tao sa Mindanao na alam nilang labis na maapektuhan kung nagpatuloy pa roon ang paglindol.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel