Raffy Tulfo, napahagalpak sa tawa dahil umano sa reklamo ng mag-ex sa isa't isa

Raffy Tulfo, napahagalpak sa tawa dahil umano sa reklamo ng mag-ex sa isa't isa

- Viral ang dalawang episode ng Raffy Tulfo in Action dahil sa dating magkasintahan na nirereklamo ang isa't isa

- Nagkakasiraan umano ang dalawa lalo pa at maagang natapos ang kanilang relasyon

- Dumating pa sa puntong nagkabukingan pa sa dahilan ng lalaki kung bakit ni minsan ay walang nangyari sa kanila ng dating kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilan ni Raffy Tulfo na mapahagalpak sa katatawa dahil sa mga reklamo ng dating magkasintahan sa isa't isa.

Dumulog si Arthur Lopingo sa programa ni Tulfo dahil umano sa paninira sa kanya ng dati niyang kasintahang si Mary Jane Gonzales.

Ginagamit umano ng babae ang Facebook account ng lalaki upang makapag-post ito ng mga di kaaya-ayang mga rebelasyon tungkol sa dating nobyo.

Nang iharap na ni Idol Raffy ang babae, dito nagsimula nang magbatuhan ng reklamo sa isa't isa ang dalawa.

Dalawang buwan lamang ang itinagal ng kanilang relasyon na nagsimula lamang umano sa dating site sa Facebook.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa lalaki, nabighani lamang umano siya sa mga larawan ni Jane doon na sinasabi na niya ngayong malayo raw sa katotohanan.

Nang mainsulto ang babae dahil dito, siya naman ang bumwelta at sinabing wala raw sa katinuan si Arthur na isa sa rason ng pakikipaghiwalay niya rito.

Ang ikinaloka maging ng host nang programa ay nang humantong na sa puntong parang away bata na umano ang dalawa.

Sinabi pa ng lalaki na "bad breath" di umano ang babae na tinuruan pa niyang gumamit ng mouthwash.

Halos di maawat ang dalawa sa patutsadahan sa isa't isa hanggang sa tuluyan na itong pinatigil ni Tulfo at inilipat sila sa ibang newsroom.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel