Netizen, nanawagan upang matulungan ang 97- anyos na lolang hirap na sa pagtitinda

Netizen, nanawagan upang matulungan ang 97- anyos na lolang hirap na sa pagtitinda

- Viral ang post tungkol sa panawagan ng isang netizen na matulungan ang isang 97 anyos na matandang hirap na sa pagtitinda

- Napapansin daw ng netizen ang lola na naglalako ng mga gulay at prutas tuwing Biyernes, Sabado at Linggo

- Nadurog ang puso ng netizen dahil sa halata na raw na hirap nang makarinig at makakita ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanawagan ang netizen na si Samuel Lee mula sa Singapore upang matulungan ang isang 97- anyos na lolang naglalako pa rin ng mga prutas at gulay.

Nadurog lalo ang puso ni Samuel dahil napansin niyang hirap nang makarinig ang matanda.

Malabo na rin ang paningin nito at nagkakaproblema na rin ito sa kanyang alaala dala ng kanyang edad.

Ang masaklap pa raw sa sitwasyon ng lola, wala halos bumibili sa kanya dahil sa inaamin nitong binibili niya lamang ang kanyang mga paninda sa pamilihang kilala sa murang mga bilihin.

Dahil sa pag-aming ito, wala halos bumibili sa kanya at direkta na lamang na pupunta sa pinagkukuhaan ng paninda ng matanda.

Nang malaman ni Samuel ang sitwasyong ito, binibigyan na lamang niya ng pagkain at kaunting pera ang lola sa tuwing daraan siya sa kinaroroonan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, dahil sa nag-viral ang post na ito, may nakapagbigay alam kay Samuel na di raw pala talagang mahirap ang matanda.

Katunayan, mayaman daw ito at katuwaan o palipas oras na lamang nito ang pagtitinda.

Gayunpaman, tinuloy pa rin ni Samuel ang kanyang panawagan na tulungan ang matanda.

Maaring mayroon naman daw itong pera ngunit ang pakiramdam na may nagtiwala sa kanyang mga paninda ay di masusukat ng anumang halaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel