Angel Locsin, lodi sa pagkakaroon ng ginintuang puso

Angel Locsin, lodi sa pagkakaroon ng ginintuang puso

- Muling hinangaan ang kabutihang loob ng aktres na si Angel Locsin

- Sa mga panahong may nasasalanta ng kalamidad, palagi siyang tumutulong

- Kaya naman hindi nakapagtatakang marami pa rin ang sumusubaybay at sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga pagbabago sa kanya

- Kasama niya ang kanyang nobyong si Neil Arce sa pamimili ng mga ipinamahagi niyang tulong sa mga apektado ng lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling kinabiliban ang aktres na si Angel Locsin. Ito ay matapos siyang mamataan kasama ang nobyong si Neil Arce na namimili para sa mga taong apektado ng lindol sa Mindanao.

Maraming beses nang napatunayan na may puso ang aktres sa pagtulong lalo na sa mga panahong nasalanta ang ating mga kababayan ng bagyo at iba pang uri ng kalamidad.

Matatandaang personal din siyang pumunta sa Marawi noong mga panahong nagkagulo doon dahil sa mga terorista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman, marami parin ang sumusuporta at humahanga sa aktres. Ayon sa ilang netizens, isa siya sa mga artistang "consistent" na nagbibigay ng tulong.

Bago ang kanyang pagpunta sa Mindanao ay dumalo pa ito sa Halloween Party na dinaluhan ng iba pang mga artista. Hindi niya inalintana ang pagod at hindi nagpapigil sa pagpaabot ng kanyang tulong sa mga taong nangangailangan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Considering na galing pa siya halloween party kagabi niyan ah. Then kaninang tanghali nakapag abala na agad siya.
This is what I love about her. Kebs na minsan kung patola sa mga commenters. Napipikon din naman tayo minsan. But this, this is just selfless and noble. Gujab Angel!
What an angel Angel is!
Consistent talaga siya ever since sa pagiging generous niya
angel is known to do this. thank you from the bottom of my heart.
Hay, this is greatly appreciated Angel, as in ang daming nangangailangan ng tulong lalo na pagkain, tubig at tent na matutulugan. Yung iba namatayan pa at sira talaga ang mga bahay.
In fairness, she's always on top of her charity events.. She is indeed consistent when it comes to helping.. Hindi ko naisip na may mag charity p sa earthquake..
it's a fact na malaking bagay na yung mga binigay niya na relief goods sa mga nasalanta. Pero it's a bigger thing na pumunta siya doon personally para magbigay tulong. Yung presence niya, for the people na na nasalanta yung may someone na gaya ni Angel na andun kasama nila gives them a spark of hope and inspiration. Kudos, Angel

Samantala, sa naunang ulat, ibinahagi ni Angel ang isang throwback picture kasama ang kanyang nobyong si Neil Arce.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce. Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika Dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.”

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel