James Reid, ayaw muna makatrabaho si Julia Barretto

James Reid, ayaw muna makatrabaho si Julia Barretto

- Sumalang si James Reid sa isang challenge nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda

- Naitanong sa kanya kung pabor siyang makatrabaho ang ilan sa mga Kapamilya leading ladies

- Kabilang sina Yassi Pressman, Liza Soberano, Kathryn Bernardo Janellam Salvador at Julia Barretto sa mga nabanggit na pangalan

- Hindi siya sumang-ayon na makatrabaho si Julia Barretto gayunpaman, nilinaw niyang wala siyang isyu sa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw munang makatrabaho ni James Reid ang kontrobersiyal na aktres na si Julia Barretto. Ito ay nabuking nang sumabak siya sa isang challenge sa isang panayam ni Boy Abunda sa aktor.

Sa isang challenge na pinamagatang “Games Reid o Games Over Reid” Challenge, tinanong kay James kung sang-ayon siyang makatrabaho ang ilan sa naggagandahang leading ladies ng Kapamilya network. Ilan sa mga nabanggit na pangalan ay sina Yassi Pressman, Liza Soberano, Kathryn Bernardo Janella Salvador at Julia Barretto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sumang-ayon naman siyang makatrabaho halos lahat sila maliban kay Julia Barretto. Marahil ay ayaw niyang madawit sa kontrobersiyang kinasasangkutan sa ngayon ni Julia. Nilinaw din niyang wala naman siyang isyu sa aktres.

Nang maitanong naman kung sino-sino ang mga posibleng leading man ng kasintahang si Nadine Lustre, sina Joshua Garcia, Daniel Padilla, Arjo Atayde at Coco Martin ang pasado sa aktor.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isang matamis na pagbati mula sa aktor para sa kaarawan ni Nadine ang nagpakilig sa kanilang fans.

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010.

POPULAR: Read more about James Reid here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika Dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.”

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel