Netizen, may nakaaantig na kwento tungkol sa 2 bata sa sementeryo

Netizen, may nakaaantig na kwento tungkol sa 2 bata sa sementeryo

-Hindi napigilan ng isang netizen ang ibahagi ang kanyang nalaman tungkol sa dalawang bata na nakita sa sementeryo

-Sa larawang ibinahagi ng netizen, makikita ang dalawang bata habang abala sa puntod na napag-alamang kanila palang magulang

-Ayon sa netizen, ikinalungkot niya ang nalaman lalo pa at parehong bata pa para maulila ang mga batang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Labis na nahabag ang mga netizens sa nalamang kwento sa likod ng larawang ibinahagi ng isang netizen sa social media.

Sa Facebook post ni Laura Pluma, makikita ang dalawang batang abala sa puntod sa isang pampublikong sementeryo.

Dahil sa pag-aalala sa delikadong posiyon ng isa sa mga ito, pinaalalahan ito ni Pluma at doon, nalaman nitong magulang pala ng dalawa ang naroon.

Me: Toy! ingat ka dyan baka mahulog ka.

Sya: Okay po ate.

Me: Ba't ikaw ang nag pipintura dyan? delekado baka mahulog kayo.

Sya: Wala pong ibang gagawa.

Me: Kanino ba yan?.

Sya: Si Nanay at si Tatay ko po.

Sabi pa ni Pluma, ikigulat niya ang nalaman at naawa sa mga ito lalo pa at bata pa ang mga ito para maulila sa mga magulang.

"Natigilan ako, Ang bata pa kasi nila para mawalan ng magulang.

"Yung iba naaawa din sa kanila. Tapos nalaman ko pa na sabay palang namatay yung magulang nila," anito.

Umabot sa mahigit 80,000 ang reactions ng post ni Pluma sa social media.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone