Mayor Isko, nagbigay ng ₱5 million sa mga biktima ng lindol sa Cotabato

Mayor Isko, nagbigay ng ₱5 million sa mga biktima ng lindol sa Cotabato

- Limang milyong piso ang donasyon ng alkalde ng Maynila sa mga biktima ng malakas na paglindol sa Cotabato

- Mula raw ito sa kanyang talent fee sa Pascual laboratories at Belo Medical group kung saan siya ay endorser

- Matatandaang nag-donate na rin siya ng milyon-milyon niyang talent fee sa Philippine General hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di nagdalawang isip ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na magbahagi ng kanyang 'talent fee' sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Kinumpirma ito ng Philippine capital's public affairs office nitong Nobyembre 1.

Ayon sa Rappler, ₱3 million ang mula sa talent fee ni Yorme Isko sa Pascual laboratories habang ₱2 million naman na kanyang talent fee mula sa Belo Medical Group ang kanyang donasyon sa Cotabato.

May kabuuang halaga na ito ng ₱5 million na hindi ininda ng alkalde.

Di ito ang unang beses na nagpakawala ng milyon-milyong halaga ang alkalde di lamang sa kanyang lungsod kundi maging sa ibang bahagi ng bansa na nagangailangan ng tulong.

Kamakailan ay ilang pagyanig ang naranasan ng Mindanao partikular na sa North Cotabato kung saan ilang gusali ang gumuho dala ng malakas na lindol.

Malaki-laki ang pinsalang naidulot ng pagyanig kaya naman humihingi ng tulong ang mga mamayan na taga-roon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel