Angel Locsin, namataang tahimik na namimigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

Angel Locsin, namataang tahimik na namimigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

- Tahimik na nagpaabot ng tulong ang Kapamilya actress na si Angel Locsin

- Nakita siyang namimili ng mga relief goods para sa mga biktima ng lindol sa Davao

- Kasama ang kanyang fiance' na si Neil Arce, nag-empake at sila rin mismo ang namigay ng tulong sa mga taong niyanig ng malakas na lindol kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng ilang netizens ang larawang kuha nila sa Kapamilya actress na si Angel Locsin kung saan tahimik itong namigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao ngayong Biyernes, Nobyembre 1.

Ayon sa Inquirer, unang nakitang namimili ng mga ipamimigay na relief goods si Angel sa NCCC Uyanguren sa Davao City.

Kahit pa napakasimple ng suot nito at naka-sumbrero, napansin pa rin siya ng ilang residente doon na di maiwasang mamangha sa kabutihan ng aktres.

Kasama ang fiance' nitong si Neil Arce, nag-empake at pinamigay din nila ang mga relief goods sa mga nangangailangan doon lalo na iyong mga nawalan ng tirahan sa tindi ng pinsala dulot ng lindol.

Ayon pa sa isang netizen na si Marvin Olivarez “Walang giyera, bagyo o lindol ang makakapigil kay Angel Locsin para sa pagtulong. Panis yang mga influencers niyo sa Darna ko na nasa Davao ngayon.”

Sa loob lamang ng isang linggo, dalawang magkasunod na lindol ang yumanig sa Mindanao partikular na sa North Cotabato.

Tinatayang nasa 6.3 at 6.6 ang magnitude ng dalawang magkahiwalay na pagyanig na naganap noong Oktubre 29 at Oktubre 31.

Ayon sa Phivolcs, maaring masundan pa ang mga pagyanig na ito at maaring mas malakas pa kaysa sa mga naganap kamakailan.

Samantala, kilala na ang aktres na si Angel Locsin sa pagiging likas na matulungin nito.

Matatandaang nito lamang Setyembre, di na dumalo pa ang aktres sa Star Magic Ball at diniretso na ang lahat ng maari pa niyang gastusin dito sa Bantay Bata 163.

Sa kasagsagan din ng giyera noong 2016 sa Mindanao, lakas loob na bumisita ang Kapamilya actress sa Marawi upang kumustahin ang mga tao roon at magpaabot din ng tulong.

Dahil dito, siya ang tinaguriang "real-life Darna" ng henerasyon dahil sa totoong tulong ang pinaabot niya lalo na sa mga kapwa niyang nangangailangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel