Brain surgery ng isang 'gising' na babae, naka-live stream sa Facebook

Brain surgery ng isang 'gising' na babae, naka-live stream sa Facebook

- Isang 25 anyos na babae ang inoperahan ng gising sa Texas, USA

- Nakakausap pa ng babae ang mga doktor na nagsasagawa ng operasyon sa kanya

- Bukod pa rito, naka-Facebook live pa ang 40 minuto na ginagawa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gising ang isang 25 anyos na babae habang isinasagawa ang brain surgery sa kanya sa Methodist Dallas Medical Center in Dallas, Texas.

Ayon sa Inquirer, isinagawa ang operasyon kay Jenna Schardt nitong Miyerkules, Oktubre 30 kung saan naka-Facebook Live pa ang ospital at pinakikita ang kaganapan.

Makikitang nakikipag-usap pa si Jenna sa kanyang mga surgeons na animo'y "check-up" lang ang nangyayari ngunit bukas na pala ang ulo nito.

Nalaman ng KAMI na na-stroke si Jenna na naging dahilan para mahirapan siyang magsalita.

Ito rin ang dahilan kung bakit isinagawa ang operasyon na gising siya upang malaman ng mga surgeons kung wala silang naaapektuhang bahagi ng utak na nagko-kontrol ng pagsasalita ni Jenna.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa head of neurology na si Nimesh Patel, pinabibigkas nila si Jenna ng iba't ibang salita habang ginagawa ang operasyon. Ito ang paraan upang malaman nila kung tama ang isinasagawa sa pasyente.

Samantala, naka-live stream ang operasyon gamit ang Facebook ng ospital bilang bahagi ng pagtuturo sa mga viewers na interesado sa kanilang isinasagawa.

Naging matagumpay ang operasyon kay Jenna at nakatakda na siyang makauwi mula sa ospital.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel