Video ng pagputok ng mga linya ng kuryente, binatikos ng netizens

Video ng pagputok ng mga linya ng kuryente, binatikos ng netizens

- Nakunan ng video ng isang netizen ang pagputok ng mga linya ng kuryente sa kanilang lugar

- Umabot sa mahigit 6 na minuto ang video at maririnig din ang takot ng netizen na kumukuha nito

- Samantala, habang ang ilang nakapanood ay nagsasabing sana'y ligtas ang mga residente na naroon, ang ilan naman tila binatikos pa ang pagkuha ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video na binahagi ng netizen na si Ray-ann Rosaldo kung saan kitang-kita ang pagsiklab ng mga linya ng kuryente sa kanilang lugar.

Kapansin-pansin ang dami ng linya ng kuryente na nagsisiputukan kaya hinala ng marami na maaring "jumper" ang ilan sa mga ito kaya di na kinaya pa ng legal na linya.

Animo'y isang uri ng paputok ang mga kable na isa-isang sumisiklab.

Ngunit, maririnig din ang tindi ng takot ng kumukuha ng video. Patuloy itong nananalangin na sana ay matigil na ito at huwag nang mauwi pa sa sunog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Karamihan ng nagkomentong netizen ay nagsabing sana walang nasaktan sa insidente ngunit may ilan ding binatikos pa ang pagkuha ng video.

Tumagal din kasi ang pagkuha ng video sa loob ng mahigit na anim na minuto.

Imbis na humingi na raw dapat ng tulong, nagawa pang manatili ng kumukuha ng video kahit pa ito ay takot na takot na rin.

Samantala, sa hiwalay na post ni Ray-ann, nabanggit nitong di rin pala agad na naka-responde ang Meralco sa nangyari. Kaya naman ganun na lamang ang takot nito sa video at wala na silang magawa kundi panoorin ang pagsiklab habang hinihintay ang reresponde sa kanilang sitwasyon.

Narito ang video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel