Nakakikilabot na pagguho ng isang condo sa Davao City, nakunan ng video

Nakakikilabot na pagguho ng isang condo sa Davao City, nakunan ng video

- Sapul sa video ang nakakikilabot na pagguho ng isang condominium sa Davao City dala ng malakas ng lindol

- Makikita rin ang mga reaksyon ng tao sa paligid ng gumuguhong condo

- Tinatayang nasa siyam na ang naitalang sugatan mula sa insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang aktwal na pagguho ng isang condominium sa Ecoland, Davao City nang muli na namang yanigin ang lugar ng magnitude 6.5 na lindol, umaga ng Oktubre 31.

Sa video na binahagi ng Philippine Star, makikita rin ang takot na bakas sa mga taong nasa labas ng condo habang pinanonood ang nakakikilabot na pangyayari.

Ayon sa Mindanews, tinatayang nasa 8 ang nagtamo ng minor injuries habang ang isa pa na lubhang nasugatan ay agad namang nadala sa ospital.

Sa panayam kay Capt. Nolan Tagsip, spokesperson of the Davao City Police Office, nasabi nitong 15 units mula sa 56 units lamang ng Himeji Building ang may tao nang naganap ang matinding pagyanig.

Nakalikas na kasi ang iba nitong mga residente, dalawang araw bago maganap ang lindol dahil sa nauna nang pagyanig noong Oktubre 29.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa isang residente na si Paul Dumlao, sa loob ng nasa 10 taon niyang pamamalagi sa condominium na ito, napapansin na niya ang karupukan ng pagkakatayo nito.

Isa siya sa agarang lumikas matapos maramdaman ang unang malakas na pagyanig nitong Martes.

Dahil dito, agad naman na nagbigay ng panukala ang City Engineer’s Office at sinasabing di na ligtas ang gusali para muling okupahan pa ng mga nakatira dito at ito raw ay dapat nang i-kondena.

Ngayong linggong ito, dalawang halos magkasunod na malakas na pagyanig ang naganap sa Mindanao na ikinasira ng ilang mga gusali at kalsada roon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel