Pamboboso ng isang lalaki sa fitting room sa isang mall sa Maynila, sapul sa CCTV

Pamboboso ng isang lalaki sa fitting room sa isang mall sa Maynila, sapul sa CCTV

- Sapul sa CCTV ang pambobosong ginagawa ng isang lalaki sa Robinsons Place Manila

- Nanawagan ang biktima sa sinumang nakakakilala sa lalaki dahil sa trauma na ginawa nito sa kanya

- Maging babala rin ito sa publiko lalo pa at garapalan daw ang modus ng lalaking ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Ellnea Nica na di umano'y biktima ng pamboboso sa fitting room ng Robinsons Place Manila.

Ayon sa salaysay ni Ellnea, naganap daw ito noong Oktubre 30 kung saan kasunod niya halos sa paglalakad papuntang fitting room ang lalaki nang magsukat siya ng swimwear.

Sa CCTV footage mula sa labas ng fitting room, kitang-kita ang galawan ng lalaki kung paano niya isinagawa ang pamboboso.

Makikitang tila nag-aayos lang ng sintas ng sapatos ang lalaki. Iyon pala, nakalapag na ang kanyang cellphone na halos nasa loob na ng fitting room kung saan nagsusukat ang biktima.

Nasa tatlong beses niya ito nagawa base sa kuha ng CCTV.

Dagdag pa ni Ellnea, sa kanyang pagsusukat, napansin na niya ang cellphone na nakalapag sa may pinto kaya nagawa raw niya itong sipain.

Ngunit dahil di pa siya nakakapagbihis, di na niya nahabol pa ang lalaki.

Matinding trauma raw ang naging bunga ng insidenteng ito na di raw niya akalaing mangyayari dahil sa alam niyang may CCTV naman sa lugar.

Magsilbing babala rin daw ito sa publiko lalo pa at garapalang nagawa ito ng lalaki.

Narito ang video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica