9 anyos na batang mag-isang nag-aalaga ng may sakit na ama, humihingi ng tulong

9 anyos na batang mag-isang nag-aalaga ng may sakit na ama, humihingi ng tulong

- Viral ang post ng nagmalasakit na netizen tungkol sa batang mag-isang nag-aalaga ng ama

- May malubhang sakit sa balat ang ama na nakaratay na lamang

- Humihingi na ng tulong ang bata sa may mabubuting kalooban dahil sa lubhang mahirap na ang kanilang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Quintin Abregana tungkol sa batang mag-isang nag-aalaga sa amang may sakit.

Nalaman ng KAMI na 9 na taong gulang lamang ang batang si Cherry Rose Cabaquil na siyang nag-aasikaso sa tatay niyang may malubhang sakit sa balat.

Di na raw ito makabangon kaya naman nakaratay na lamang ito sa kanyang higaan.

Isang taon na niyang inaalagaan ang ama at aminado ang bata na mahirap ang kanilang kalagayan.

Humihingi siya ng tulong para sa kanya at sa ama na nangangailangan sana ng agarang gamutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, matapos mag-viral ang post, may mga taong nagpaabot na agad ng tulong sa bata at kanyang ama.

Mayroong nagbigay ng pera at pagkain na siyang kailangang-kailangan na nga ng mag-ama sa pangaraw-araw.

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Umaasa rin ang ama na mayroon ding makakapagbigay sa kanila ng pagkakataong maipagamot ang sakit nito sa balat na siyang pahilan ng kanyang pagkakaratay.

Ang orihinal na post ay umabot na sa 18,000 na reaksyon, 10,000 komento at 43,000 na pagbabahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel